Sa gitna ng problema at intriga SWITZERLAND TRIP NI PBBM TULOY

(CHRISTIAN DALE)

HINDI mapipigilan ng mga kontrobersya at problemang kinakaharap ngayon sa bansa ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo sa Davos, Switzerland.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Palasyo na tutungo ang Chief Executive sa nasabing bansa para dumalo sa 2023 World Economic Forum.

Nauna nang inimbitahan si Marcos Jr. ni World Economic Forum founder and Executive chairperson Klaus Schwab nang sila’y magkita sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang nasabing annual meeting ay makapagbibigay ng oportunidad sa bansa para muling mabigyang diin na “open for business” ang Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato nito.

Kahapon itinakda ang pre-departure briefing para sa nabanggit na biyahe ng Pangulo.

Sa nasabing biyahe, ipipresenta ni Pangulong Marcos Jr. ang economic performance ng Pilipinas sa global leaders at top chief executive officers (CEOs).

“So the President will be leading our economic team composed of government officials and business leaders and we will present the country’s economic performance which tops growth in the region before an audience of international CEOs,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta sa press briefing.

Ang WEF ay mananatiling premier forum para sa world at business leaders para magsama-sama, mag-interact at makaisip ng mga ideya at plano para tugunan ang maraming hamon at oportunidad na kinahaharap ngayon ng global economy.

“The President goes to Davos at a time when our country and our region is recovering well from past challenges, where projections remain high for economic growth in our country and our region,” ayon kay Sorreta.

“And we have [a] realization in our region that individual and collective economic potential remains great, and there’s a lot of hope and optimism. So it’s a good time for our country… representing our country and our region to be in Davos at this time,” dagdag na wika ni Sorreta.

Nakatakda ring talakayin ni Pangulong Marcos ang isyu ng global nutrition sa stakeholders’ dialogue.

Sa kanyang magiging byahe sa Switzerland, inaasahan naman ang Pangulo na magdaraos ng business meetings at meeting kasama ang Filipino community.

Ayon kay Undersecretary Sorreta, ang mga miyembro ng Filipino community ay manggagaling mula sa Switzerland at sa ibang bansa sa Europa.

Ngayong taon, ang magiging tema ng WEF Annual Meeting ay “Cooperation in a Fragmented World.”

29

Related posts

Leave a Comment