Sa hamon ni Ginang Robredo na debate:

“Nauunawaan ko ang kabiguang naramdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos.
Maaari po na silang dalawa, na parehong naghangad na maging pangulo ng republika, ay magkaiba ng paniniwala hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan.
Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan.
Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.
Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan.”
Chief of Staff at Tagapagsalita ni presidential frontrunner
Bongbong Marcos
111

Related posts

Leave a Comment