Solon sa paglago ng ekonomiya MARCOS JR. HARDWORKING PRESIDENT

(BERNARD TAGUINOD)

NAGBUNGA na ang pagiging hardworking ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos maitala ang paglago sa 7.6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon.

Tinuran ito ni House Speaker Martin Romualdez, na isa sa mga kasama ni Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia, matapos kumpirmahin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang GDP mula Hulyo hanggang Setyembre.

Mataas ito ng 2.9% kumpara sa naitalang GDP noong Abril hanggang Hunyo o second quarter ng taong kasalukuyan na ayon kay Romualdez ay dahil sa pagiging hardworking ng Pangulo.

“President Marcos silent hard work on uplifting the economy is beginning to work. The economic expansion in the months of July to September 2022 is proof of that,” ayon sa mambabatas.

Si Marcos ay nagsimulang manungkulan noong Hunyo 30, 2022 lamang at tinutukan umano nito agad ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa na nangyari base sa report ng PSA.

“I myself witnessed how the President engaged business stakeholders here and abroad with the purpose of moving forward from ravages caused by the COVID-19 pandemic,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sinabi naman ni House ways and means committee chairman Joey Salceda na isa sa mga dahilan ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang paglobo ng remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) mula nang maging pangulo si Marcos.

Nabatid na sa kabila ng mataas na inflation rate na dulot ng krisis na epekto ng pandemya at patuloy na hidwaan sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries, nakapagtala ng 7.6% economic growth ang Pilipinas sa 3rd quarter ng kasalukuyang taon.

Sa datos ng PSA, pumalo sa 7.6% ang itinaas ng gross domestic product (GDP) sa mga buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre – higit na mataas kumpara sa inaasahang 7.5% GDP growth.

Para sa PSA, magandang senyales ang mabilis na pag-angat ng GDP bunsod ng mataas na “consumer spending” sa mga nakalipas na buwan. Base sa datos ng nasabing tanggapan, sumipa sa 0.8% ang pagtaas ng antas ng tinatawag na “household final consumption expenditure,” na sinabayan pa ng implementasyon ng cost-cutting measures na ipinatutupad sa mga ahensya ng pamahalaan.

Gayunpaman, aminado ang PSA na patuloy na tataas ang inflation rate ng bansa hanggang sa kasalukuyang buwan dahil na rin sa epekto ng mga pinsalang dala ng mga nagdaang bagyo.

Pagtitiyak ng PSA, nasa tamang landas tungo sa target na pagbangon ng ekonomiya ang administrasyong Marcos.

Bukod sa Pilipinas, dumaranas din ng matinding pagsirit ng inflation rate ang iba’t ibang bansa sa Asya, Europa, at Estados Unidos.

47

Related posts

Leave a Comment