MAHIGIT isang buwan na lamang bago ang eleksyon sa Mayo 9, palakas nang palakas ang natatanggap na suporta ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos at kanyang running mate na si Inday Sara Duterte kaya patuloy din ang pagtaas ng tsansa nila para manalo.
Ito ay matapos magsama-sama ang ilang pinakamalalaki at maimpluwensyang mga partido sa bansa para suportahan at papanalunin ang BBM-Sara UniTeam.
Nito lamang Huwebes, nagpahayag na rin ng suporta sa UniTeam ang National Unity Party (NUP), na itinuturing na isa sa pinakamalaking political party sa bansa.
Ang panawagang pagkakaisa ni Marcos ang siya ring pangunahing adhikain ng NUP.
Kamakailan din, ang political party ni Presidente Rodrigo Duterte na PDP-Laban sa pangunguna ni Energy Sec. Alfonso Cusi, ay nagpahayag na rin ng suporta sa kandidatura ni Marcos.
Ang anunsyo ay nangyari matapos kumpirmahin ng Malakanyang ang naganap na pulong sa pagitan ni Marcos at Presidente Duterte nitong weekend.
Si Marcos ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) habang si Duterte na chairperson ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay vice- presidential bet naman ng Lakas-CMD.
Bukod sa kanilang mga sariling partido, ang UniTeam ay nauna nang inendorso ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), Hugpong ng Pagbabago (HNP), Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), Reform Party (RP).
Kamakailan din ay tatlong malalaking labor group na kinabibilangan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Labor Party of the Philippines (LPP), at Partido Lakas ng Manggagawang Pilipino (PLMP) ang pormal na ring nagpahayag ng suporta sa UniTeam.
Karamihan din sa mga gobernador, mayor at iba pang mga opisyal sa ibat-ibang mga probinsya ang nagpahayag na rin ng suporta sa UniTeam.
Pinasalamatan naman ng UniTeam ang mga political party sa pagsama sa “bandwagon of support” sa BBM-Sara tandem.
“It is truly reassuring, but at the same time challenging us to be even more prepared and vigilant in light of growing rumors of possible poll fraud in the coming elections,” ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos.
Pero agad ding nilinaw ng tagapagsalita na hindi pa rin sila dapat magpakakampante sa kabila ng patuloy na suporta at pamamayagpag sa lahat ng survey.
“It’s barely two months before the D-Day; and all the national surveys indicate a runaway advantage for Marcos Jr., but we cannot be complacent as the forces that try to put him down ever since, has not ceased and apparently has even intensified their gutter ways,” ani Rodriguez.
141