Taktikang desperado, di uubra BOYCOTT SA DEBATE NG UNITEAM, FAKE NEWS

SA hangaring hilahin pababa ang mataas na preference rating ng nangungunang tambalan sa nalalapit na halalan sa Mayo, isang bulaang pahayag ang ikinabit diumano sa tagapagsalita ng nangungunang kandidato sa posiyon ng Pangulo.

Giit ni Atty. Vic Rodriguez na tumatayong chief-of-staff at spokesperson ni Marcos, hindi niya kailanman sinabing “Wala nang debate para sa mga kandidato ng UniTeam mula sa Presidente hanggang konsehal,” kasabay ng pasaring na indikasyon aniya ang mga kumakalat na fake news sa social media kung gaano kataas na ang antas ng nerbyos ng iba pang kampo sa napipintong “landslide victory” ng dating senador at ni Davao Coity Mayor Sara Duterte.

“The statement being attributed to me with the title — WALA NG DEBATE PARA SA MGA KANDIDATO NG UNITEAM MAGMULA PRESIDENTE HANGGANG KONSEHAL – is a complete falsity and downright lie,” ani Rodriguez.

Paniwala ng abogado, desperado na kung sino man ang nasa likod ng tinawag niyang mapanlinlang na kalatas na karaniwang ginagawa lamang umano ng mga desperado at aminadong matatalo pagsapit ng mismong halalan sa Mayo.

“Isa po syang fake news o pekeng impormasyon na may layong iligaw ang ating mga kababayan mula sa katotohanan. There is no such statement coming from me nor the BBM-Sara UniTeam.”

Paglilinaw pa ni Rodriguez, hindi nila (UniTeam) ikinagulat ang pagkaladkad sa kanyang pangalan sa isang pahayag na pakay lamang aniyang baluktutin ang katotohanan.

Paniwala pa niya,  marami pang lalabas na fake news ang mga kontra sa tambalang isinisigaw ng mga tao — “Definitely, that’s not the last. Marami pa, mas grabe pa dyan.”

“This stunt is part of the continuing ‘gutter politics’ our adversaries have employed against presidential candidate Bongbong Marcos and, out of their desperation, will only get worse as we progress with our campaign.”

Sa kabila ng tangkang bahid sa kanyang integridad, kalmadong umapela ang tagapagsalita ni Marcos na tuldukan na ang maruming pamumulitikang kalakip ng kampanya.

“This election is all about the future and as such, we the Filipino people deserve more than your gutter strategy. I appeal to those behind this to please respect the intellect and dignity of the people, practice restraint in the spread of your fake news and outrageous lies.”

Sa halip na na fake news, hinimok ni Rodriguez ang iba pang mga kandidatong magpamalas ng pagiging tunay na makabayan sa paraang pagtataas ng antas ng talakayan.

“The time has come for you to show love for our country and we invite you to join us in our efforts to elevate the level of discourse and end your destructive culture of gutter politics,” pagtatapos ni Rodriguez.

Related posts

Leave a Comment