TANGERE SURVEY ABRIL 20-22, BBM 51% LAMANG PA RIN; ISKO NAUNGUSAN NA SI LENI SA 2ND PLACE

PATULOY pa ang pag-alagwa ng lamang ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang mga katunggali matapos itong makapagtala ng 51 porsyentong voter preference, ayon sa Abril 20-22 survey ng Manila Bulletin-Tangere.

Mas tumaas pa ang bilang ni Marcos ng tatlong porsyento kumpara sa kanyang 48 porsyento na voter preference nitong Abril 6 survey.

Naungusan na rin ni Isko Moreno sa pangalawang pwesto si Leni Robredo matapos itong makapagtala ng 20 porsyentong voter preference kumpara sa kanyang 24 porsyento nitong nakaraang survey.

Si Leni ay nasa malayong pangatlo na nakakuha lamang ng 18 porsyento o mas mababa pa ng dalawang puntos kumpara sa 20 porsyento niya ng nakaraang survey.

Nakakuha naman si Manny Pacquiao ng apat na porsyento at si Panfilo Lacson, tatlong porsyento.

Napansin ng Tangere na halos walang nagbago sa mga numero ng mga kandidato sa kabila ng kontrobersyal na joint press conference na dinaluhan ng ilang kandidato kabilang sina Moreno, Lacson at dating Defense Sec. Norberto Gonzales nitong Abril 17 (Easter Sunday).

Sa naturang press conference binanatan ni Moreno at Lacson si Robredo na pinapaatras sila sa karera para laban si Marcos.

Pero sa halip umatras, nanawagan si Moreno na dapat ay si Robredo ang umatras sa laban kung talagang mahal niya ang bansa.

Nanatili ring nangunguna ang katambal ni Marcos na si Inday Sara Duterte sa karera sa pagka-bise presidente matapos itong makapagtala ng 60 porsyento.

Nasa malayong pangalawa si Sen. Tito Sotto na mayroong 16 porsyento; Doc Willie Ong, 11 porsyento; at Kiko Pangilinan, pitong porsyento.

Ang mobile-based survey ng Tangere ay Isinagawa sa 2, 400 respondents sa buong bansa.

157

Related posts

Leave a Comment