Taxpayers’ money pinapoprotektahan P6.33-M KADA ARAW GINAGASTOS NI PBBM

(BERNARD TAGUINOD)

NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang Makabayan bloc sa Kamara para sa pagbuo ng oversight committee na bubusisi sa intelligence at confidential funds at pambansang pondo upang maproteksyunan ang buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 7158 o “intelligence and confidential funds transparency act of 2023”, nais ng nasabing grupo na magkaroon ng oversight committee na bubuuin ng independent congressmen at senators upang malaman kung saan ginagamit ang pondo.

“Mahalaga na ma-audit at magkaroon ng oversight committee ang confidential at intelligence funds dahil ginagawa lang itong presidential at vice-presidential pork barrel sa ngayon. Di rin pinapaalam kung saan talaga nagastos ang mga pondong ito,” ayon sa isang miyembro ng Makabayan bloc na si ACT party-list Rep. France Castro.

Ipinaliwanag ng nasabing grupo na sa ngayon ay P5.22 Billion ang intelligence funds ng Marcos administration habang P4.85 Billion naman ang confidential fund na kinabibilangan ng P500 million sa Office of the Vice President at P130 Million sa Department of Education (DepEd) na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Sa ngayon ay gumagastos din aniya ng P6.33 million kada araw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mula sa kanyang intelligence fund pa lamang at hindi pa kasama ang confidential funds.

Nakapaloob din sa HB 7157 ang pagbuo ng oversight committee para busisiin at bantayan ang paggastos sa pambansang pondo dahil sa ngayon ay tanging ang Pangulo at secretaries nito ang nakakaalam ng pinagkakagastusan.

“Sa laki ng budget ng pamahalaan kada taon dapat lang na magkaroon ng oversight committee na bumubusisi kung saan talaga ito napupunta at tama ba ang pinagkagastusan,” ani Castro.

“If indeed that the Marcos administration is for transparency then it would be best for it to support these bills and certify them as urgent,” dagdag pa ng nasabing grupo.

38

Related posts

Leave a Comment