Tiniyak sa pulong kay PBBM RUSSIA AAYUDA SA SUPLAY NG PETROLYO

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang bansang Russia na tulungan ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagbisita ni Russian Ambassador Marat Pavlov kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon ay natalakay nila ang problema sa langis na isa sa mga itinuturong dahilan ay ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Itinuturing namang welcome development ng Department of Energy (DOE) ang pahayag na ito ng Russia.

Gayunman, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rino Abad, na dapat tiyaking magiging government-to-government ang transaksyon hinggil dito.

Aniya, mababalewala ang pagbibigay ng Russia ng “special treatment” sa Pilipinas pagdating sa suplay at presyo ng langis kung commercial price pa rin ang paiiralin.

“Napakagandang development yan para matuloy yan sa isang government-to-government. At aalalayan po siguro ng government natin yung ating Petron refinery para makakuha po, well, tawagan na natin na ‘special treatment’ on the supply and pricing sa crude oil. Kasi kung commercial lang din ang pag-uusapan d’yan e wala ring epekto kung commercial price pa rin,” ani Abad.

Kahapon ay muling nagpairal ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis na pumalo sa mahigit P4.

66

Related posts

Leave a Comment