PATULOY sa pagbaba ang trust at approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. base sa magkakasunod na survey.
Sa Third Quarter Tugon ng Masa” nationwide survey ng OCTA Research, kapwa natapyasan ang trust at approval ratings nina Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Si Pangulong Marcos ay may 73% trust rating at 65% approval rating sa resulta ng survey na inilabas noong Oktubre 29, mas mababa sa 75% (trust) at 71% (approval) sa second quarter survey na isinagawa naman noong Hulyo.
Sa kabilang dako, 75% naman ng mga pilipino ang nananatiling may tiwala kay Vice President Duterte at 70% naman ang nasisiyahan sa kanyang performance.
Para sa OCTA, “significant” ang pagbaba mula 83% (trust) at 82% (approval) ratings, kapwa nitong Huyo.
Tinukoy naman ng OCTA na ang trust ratings ni Pangulong Marcos sa iba’t ibang pangunahing lugar ay pumalo mula sa 66% hanggang 78%, mayroong pinakamataas na trust rating sa Visayas (78%) at pinakamababa naman sa Kalakhang Maynila na mayroong 66% “Across different major areas, trust ratings of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. in NCR (National Capital Region) decreased by 15 percentage points, respectively. Sa kabila nito, mayroon namang pagtaas sa trust rating ng Pangulo sa Visayas 15% puntos.
Ang trust rating ng Pangulo sa socio-economic classes ay pumalo sa 75% mula sa 53%, mayroong mataas na trust rating na kabilang sa class D, 74% at class E, 75% habang ang pinakamababang trust rating ay kabilang sa class ABC na may 53%.
“By socioeconomic class, the trust rating of President Marcos Jr. significantly decreased by 10 percentage points among Filipinos belonging to Class ABC,” diing pahayag ng OCTA.
Samantala, sinabi ng OCTA na ang trust rating ni Vice President Duterte ay pumalo sa 95% mula sa 64% sa iba’t ibang pangunahing lugar, sa Mindanao kung saan mayroong pinakamataas, 95% habang ang Balance Luzon naman ang may pinakamababa dahil nakapagtala lamang ito ng 64%.
“Her trust ratings across socioeconomic classes ranged from 59 to 79 percent, with Class E having the highest trust rating of 79 percent and Class ABC having the lowest trust rating of 59 percent, ayon pa rin sa OCTA.
“Across all major areas, Vice President Sara Duterte-Carpio’s trust rating decreased. The highest decrease is in NCR by 15 percentage points and the lowest is in Mindanao by two percentage points,” ang lahad pa rin nito.
“Also, the trust rating of Vice President Sara Duterte-Carpio significantly decreased by 19 percentage points among Filipinos belonging to Class ABC. The distrust rating of Vice President Duterte-Carpio increased across all major areas with the most prominent increase is by 10 percentage points among Filipinos belonging to Class ABC,” dagdag na pahayag ng OCTA.
Isinagawa ang nasabing survey mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, gamit ang face-to-face interview sa 1,200 adult respondents sa buong bansa. Mayroon itong ±3% margin of error na 95% confidence level.
(CHRISTIAN DALE)
170