TONY BLAIR INTERESADO SA TRANSPO PROJECTS NG PH

MULING nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating British Prime Minister Tony Blair, na nagpahayag ng kanyang intensyon na suportahan ang railway projects ng Pilipinas.

Nagpulong sina Pangulong Marcos at Blair sa sidelines ng 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, nitong Martes.

Si Blair ay dating Prime Minister ng United Kingdom at kasalukuyang Executive Chairman ng Tony Blair Institute For Global Change.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na masigasig si Blair na suportahan ang transportation projects ng Pilipinas.

“Me, personally, I was able to share with Mr. Tony Blair the projects of the Department of Transportation, and he was very interested in supporting, especially the railway projects of the government,” ani Bautista.

“After ng WEF, we are expecting that we will be able to implement the programs of the department, not only to help the Filipinos to have a very good transport experience but also to attract mga tourists,” dagdag na wika nito.

Matatandaang, unang nakapulong ni Pangulong Marcos at kanyang mga opisyal si Blair sa biyahe nito sa New York noong Setyembre, 2022 para sa United Nations General Assembly (UNGA). (CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment