TUBIG, KURYENTE TIPIRIN – PBBM

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources dahil sa pagharap ng Pilipinas sa El Niño ngayong taon.

“The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog.

“Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid ng tubig sa bahay, sa mga car wash, sa mga pagdidilig ng golf course at pagrerefill ng mga swimming pool,” ayon sa Pangulo.

“Ito ay inaasahang makakatulong sa pagpapanatili ng ating supply,” aniya pa rin.

Bukod sa monitoring at pagaanin ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, enerhiya at kalusugan, sinimulan na rin ng pamahalaan ang paghahanda para sa posibleng La Niña matapos ang panahon ng tagtuyot o dry spell. (CHRISTIAN DALE)

227

Related posts

Leave a Comment