NADINE BUMAWI SA NAHINTONG SHOWBIZ KARIR

MATUTUWA ang followers at fans ni Nadine Lustre dahil  balik-showbiz ang actress. Muling gagawa ng pelikula ang aktres na kinasabikan ng kanyang fans dahil siya ang bibida sa psychological  thriller film na Deleter na ididirek ni Mikhail Red. Matagal ding nanahimik sa industriya si Nadine,  magmula nang magkaroon siya ng contract  problem sa kanyang management (Viva Artist Agency) tapos nasabay pa sa pandemic. Kaya naman nang maayos ang kanyang problema agad itong bumawi, bukod sa Deleter  bibida rin si Nadine sa isa ring suspense-thriller na Greed.  Ayon sa aktres eversince…

Read More

BARBIE INAMING NAGING BF SI KIKO

SUMAILALIM sa lie detector test si Barbie Forteza nang tanungin ni Bea Alonzo  sa kanyang showbiz career, love life at iba pang personal na bagay. Na-curious si Bea kung sino ‘yung actor na kinaiinisan ni Barbie na nakatrabaho nito sa huling show na Mano Po Family Fortune. Finally, inamin ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ni Kiko Estrada  na nakasama niya sa That’s My Amboy, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagmamahalan at  hindi naging maganda ang kanilang break-up kaya hindi na sila friends hanggang ngayon. Inamin din ni…

Read More

ALEXA MIRO NILALAGLAG NG TLOL

GUEST host sa Tropang LOL ang girlfriend ni Cong. Sandro Marcos na si Alexa Miro. Sa naturang programa ay nilalaglag ng mga host na sina Billy Crawford, Wacky Kiray at maging ang kanilang guest celebrity contestant sa Marites segment na si Matteo Guidicelli si Alexa. Pinaaamin nila ang sexy actress kung ano ba ang totoo sa kanila ng anak ni Presidente BongBong Marcos. Ayon kay Alexa, “walang aaminin. Magkaibigan lang kami” na hindi naman pinaniniwalaan ng mga nasa loob ng Tropang LOL studio. Nakaaaliw rin naman panoorin ang rumored GF…

Read More

IS NAHAGIP SA MONITOR NG EAT BULAGA

TRENDING ang picture ng Dabarkads Eat Bulaga hosts sa social media na pinost ng GMA news reporter na si Mariz Umali. Isang mapanuring mata ng netizen ang nakahagip sa picture na nasa TV screen nila ang It’s Showtime ng Kapamilya. Hindi nakaligtas sa netizen ang noontime program ng ABS-CBN na katapat ng programa ng Eat Bulaga. Makikita roon ang isa sa mga kalahok sa isang patimpalak sa It’s Showtime at nakalagay rin ang A2Z sa monitor. Kasama ni GMA reporter Mariz Umali ang mga host ng EB na sina Miles…

Read More

JENNICA MISTULANG NABUDOL SA MUSHROOM

NAWINDANG si Jennica Garcia sa mushroom na binili niya sa isang grocery para gawing soup. Nang isasahog na kasi niya ang mushroom, laking dismaya ng aktres dahil halos walang lamang mushroom ang lalagyan taliwas sa label nito. Aniya, ang dami raw sa picture ng produkto , pero sa loob halos walang mushroom na nakalagay as in kokonti raw talaga. Ibinahagi ni Jennica sa kanyang Instagram ang pagkadismaya sa mushroom soup experience. Magkagayunman, niluto pa rin niya ito at in-imagine na lang daw niya na may nakalutang siyang nakikita sa soup.…

Read More

OPENING SALVO NG IS AT TLOL TRENDING

(Ni BETH GELENA) PINAGHANDAANG mabuti ng It’s Showtime ang kanilang opening number sa back-to-back program nila with Tropang LOL. Kumpleto ang lahat ng hosts at may live audience na rin sila. Tuwang-tuwa ang madlang pipol dahil sa mahigit dalawang taon na walang audience ang programa ay muli nilang napanood nang live ang kinasasabikang noontime show ng ABS-CBN. Kesehodang pumila sila ng maaga dahil kinakailangang dumaan pa sila sa proseso basta’t mapanood na raw nila nang personal ang noontime show. Eksaktong 12:45 nag-umpisa ang programa. Biro nga ni Vice Ganda dahil…

Read More

ANDREA WALANG PANG-AMOY NANG IPANGANAK

INAMIN ng aktres na si Andrea Brillantes na may rare medical condition ito na kung tawag ay `congenital anosmia` na ibig ang sabihin ay walang pang-amoy. Isiniwalat ito ni Andrea sa isang panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Karen Davila. Since birth nga raw abnormal na ang kalagayan niya dahil hindi normal sa isang tao ang walang pang-amoy sa buong buhay niya. Hanggang ngayon na dalaga na siya hindi raw niya alam ang iba’t ibang amoy sa paligid. “Wala po talaga, as in puwede po akong ututan sa…

Read More

JUDAY SINOPLA NG KAPWA CHEF

NAG-IISIP si Judy Ann Santos ng alternatibo sa iluluto niyang putahe para sa kanyang cooking online show. Umaangal na rin kasi ang chef-actress sa taas ng mga bilihin. Ani Juday: “Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.” “Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” Isang dating master chef ang nagbigay ng reaksyon sa hinaing ng aktres. “Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa…

Read More

MAGGIE WILSON NAGPASAKLOLO LABAN SA EX-HUSBAND

NAGPASAKLOLO ang actress/beauty queen na si Maggie Wilson matapos silang harasin at pasukin ng mga tauhan ng estranged husband sa bahay nila sa Taguig nitong July 15, 2022. Walang dalang “notice to vacate, warrant of arrest at walang kaukulang proper paperwork ang mga tauhan ng dating asawa nang pasukin ang kanilang pamamahay. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maggie ang videos na kuha ng kanyang kapatid na babae. Makikita rito ang mga tauhan ng VCDC at DMCI—mga kompanyang parehong pagmamay-ari ng real estate mogul na si Victor—na pumasok sa kanyang tahanan…

Read More