Kaya hindi pinauuwi – solon ROMUALDEZ ITUTURO NI ZALDY CO?

PABOR umano kay dating House Speaker Martin Romualdez ang tila pagpapaliban sa pag-uwi sa bansa ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco. Ayon kay Tiangco, posibleng sinasadya raw na hindi pauwiin si Co dahil baka maglabas ito ng mga pangalan ng kasabwat sa umano’y anomalya sa flood control projects at sa pagmamanipula ng pondo para sa 2026 national budget. “Kung magtatagal nang magtatagal ‘yan (ang pagkansela ng pasaporte ni Co), magdududa na rin ako. Mabubuo ang duda ko,” ani Tiangco. “Sino ba ang…

Read More

GSIS CHIEF GIGISAHIN SA P8.8-B KWESTYONABLENG INVESTMENT

PINAGIGISA ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio si Government Service Insurance System (GSIS) president at general manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso dahil sa umano’y kwestiyonableng investments na maaaring naglagay sa panganib sa retirement security ng mahigit dalawang milyong empleyado ng gobyerno. Ayon kay Tinio, hindi dapat balewalain ang ulat na nawalan umano ang GSIS ng P8.8 bilyon dahil sa mga maling desisyon ni Veloso sa paglalagak ng puhunan sa iba’t ibang pribadong kumpanya — kabilang na ang mga negosyo sa sugal. “The House of Representatives must immediately investigate these…

Read More

Hindi lang si Romualdez MGA KAALYADO NI ZALDY CO ISAMA SA IMBESTIGASYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG umiinit ang panawagan mula sa iba’t ibang sektor na silipin ang mga politiko at party-list groups na umano’y sinuportahan ni Zaldy Co, matapos itong magtago sa ibang bansa sa gitna ng malawakang trillion-peso flood control anomaly na yumanig sa pamahalaan. Si Co ay dati nang iniugnay sa malalaking iregularidad sa mga proyekto ng imprastraktura, na sinasabing dahilan ng pagkakatanggal sa pwesto nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Ang naturang iskandalo ang nagbunsod sa pagbuo ng Independent Commission on Infrastructure (ICI),…

Read More

ONE RFID, ALL TOLLWAYS SYSTEM KASADO NA SA LUZON EXPRESSWAYS

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng One RFID, All Tollways system sa South Luzon Expressway, Calamba City — layuning gawing mas madali at moderno ang pagbabayad sa toll sa buong Luzon. Ayon kay Marcos, libre at opsyonal ang registration sa bagong RFID system na papalit sa dating two-card setup ng Autosweep at Easytrip. “Hangad natin ang dire-diretsong biyahe mula hilaga hanggang timog. Reduce unnecessary stress,” ani ng Pangulo. Sa ilalim ng sistema, isang RFID sticker na lang ang magagamit sa lahat ng major expressways gaya ng…

Read More

BPOs sa PH nagbabadyang magsara 1.7M POSIBLENG DAGDAG SA JOBLESS

NANGANGANIB mawalan ng trabaho ang halos dalawang milyong Pilipino na nasa Business Process Outsourcing (BPO) companies dahil sa panukalang batas sa United States (US). Dahil dito, kinalampag ni Cebu 5th District Rep. Franco “Duke” Frasco ang Department of Trade and Industry (DTI) sa umano’y kawalan ng agarang aksyon upang maprotektahan ang mga call center agent sa bansa. Ayon kay Frasco, patuloy na umuusad sa US Congress ang “Keep Call Centers in America Act of 2025,” na naglalayong obligahin ang mga American BPO operator na ibalik sa kanilang bansa ang operasyon…

Read More

ISO 9001:2015 CERTIFICATION MULING NAKAMIT NG OSPITAL NG TONDO

NAPANATILI ng Ospital ng Tondo (OsTon) ang ISO 9001:2015 Quality Management System certification matapos ang isinagawang surveillance audit kamakailan. Ipinahayag ni Hospital Director Dr. Edwin C. Perez na ang nasabing tagumpay ay patunay sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo ng ospital at sa kanilang layuning mapabuti pa ang lahat ng aspeto ng pangangalagang medikal para sa mga residente ng ikalawang distrito ng Tondo. “Ang ISO accreditation ay hindi lamang karaniwang parangal para sa aming ospital, kundi isang paalala ng aming tungkulin na patuloy na maglingkod sa komunidad ng…

Read More

Dedma ibang kongresista? PAGLABAS NG SALN SA KAMARA MATUMAL

MATUMAL ang paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil anim pa lang na party-list representatives at isang district congresswoman ang nagsapubliko ng kanilang yaman. Habang isinusulat ito, tanging sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, Akbayan Reps. Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Ismula, at Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao ang mga naglabas ng kanilang SALN. Ginawa nila ito matapos alisin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang restriksyon ni dating Ombudsman Samuel Martires, na…

Read More

Walang pagbabago hangga’t inuupuan ng Kongreso POLITICAL DYNASTY NAGPAPALUGMOK SA PH

HANGGANG pangarap na lang ang pagbabago sa Pilipinas hangga’t hindi kumikilos ang Kongreso para ipasa ang batas na magbabawal sa political dynasty, ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice. Sa isang panayam kahapon, hinamon ni Erice sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na pangunahan ang laban kontra political dynasty kung tunay na layon ng mga ito ang reporma at pag-unlad ng bansa. “Eh wishful thinking na rin ang mga Pilipino na magkaroon tayo ng maayos na pamahalaan,” ani Erice, matapos banggitin ng ilan na ‘hanggang…

Read More

Politiko, kontratista ihahalo sa ordinaryong preso MGA CORRUPT MAGIGING KAKOSA NG MGA KRIMINAL

MAGIGING kakosa ng mga ordinaryong kriminal ang mga politiko, opisyal ng DPWH, at mga kontratistang masasangkot sa multi-billion peso flood control scandal, matapos ihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagkukulungang pasilidad. Sa pulong-balitaan sa New Quezon City Jail sa Payatas, binigyang-diin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang special treatment ang sinomang mapatutunayang sangkot sa katiwalian. “Handa na kami. We are not backing out of our obligation to fulfill our role as the…

Read More