MULI na namang nakatangggap ng pagbabanta na pasasabugin ang main campus ng Cavite State University (CVSU) noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report, nakatanggap sa email ang tanggapan ng CVSU Office of the Vice President (ovppass@cvsu.edu.ph) bandang alas-5:14 ng madaling araw ng isang mensahe na nagsasaad ng: “Sa pagsikat ng araw, habang umiinit mamaya ay sabay-sabay ay mga pagsabog sa CvSU Main. Nakakaawa ang mga bata, mainit, maraming pagsabog at putukan. Ilikas nyo ang mga estudyante sa lalong madaling panahon”, mula sa sender na rem.delaantonio@gmail.com Hindi naman binanggit sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P4.9-M KETAMINE NASABAT NG PDEA
TINATAYANG 984 gramo ng hinihinalang ketamine ang nasabat sa interdiction operation sa pangunguna ng PDEA Seaport Interdiction Unit – Port of Manila, kasama ang Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, sa Surface Mail Exchange Department (SMED) ng Philippine Postal Corporation sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area Manila noong Lunes, Abril 4. Ang nasabing operasyon na isinagawa dakong alas-9:20 ng umaga, ay nagresulta sa pagkakadiskubre sa abandonadong parcel na naglalaman ng white powdery substance na hinihinalang ketamine na P4,920,000 ang halaga. Ayon sa ulat na isinumite ng PDEA RO NCR,…
Read More3 PNP OFFICIALS SA BARMM PINASISIBAK NG COMELEC
PINASISIBAK ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) ang tatlong mataas na opisyal nito sa Bangsamoro Autonomous region of Muslim Mindanao (BARMM). Kabilang dito ang Regional Director na si PBGen. Romeo Macapaz, PCol. Eleuterio Ricardo Jr., hepe ng Maguindanao Del Norte at PCol. Ryan Bobby Paloma, hepe ng Maguindanao Del Sur. Hiniling ang pagpapatanggal sa tatlong mataas na opisyal ni Comm. Aimee Ferolino, chairperson ng Gun Ban and Security Concerns Committee. Ito ay ipinaabot kay PNP Chief General Rommel Marbil at inaprubahan ng Comelec En Banc. Ayon…
Read MoreKALUSUGAN, KARUNUNGAN AT KABUHAYAN ISUSULONG NG MAHARLIKA PL
INILAHAD ng ikalawang nominee ng Maharlika Party-list na si Alvin Sahagun, presidente at chairman din ng Maharlikang Pilipino party, ang pagsusulong ng kanilang layunin sa pamamagitan ng Kalusugan, Karunungan, at Kabuhayan na maghahatid ng isang bagong pag-asa para sa bawat Pilipino. Ayon kay Sahagun, nabuo ang Maharlika Party-list upang maging boses ng karaniwang mamamayan—mga manggagawa, guro, magsasaka, at pamilyang nangangarap ng mas maayos na buhay. Aniya, sa pamumuno ng kanilang unang nominee na si Gng. Rosalie Quizon Balcon, isang matagal nang tagapagtaguyod ng pagbabago sa komunidad, binuo nila ang isang…
Read MoreKOTSE NAGLIYAB HABANG BUMIBIYAHE SA HIGHWAY SA SAN ANTONIO, QUEZON
ISAN sasakyan ang nasunog habang bumibiyahe sa national road sa Barangay Loob sa San Antonio, Quezon nitong Linggo ng hapon. Ang nasunog na sasakyan ay isang kotse na minamaneho ng 22-taong-gulang na residente ng Brgy. Bawi sa Padre Garcia, Batangas. Ayon sa ulat mula sa San Antonio Police Station, pasado ala-1:00 ng hapon nang mapansin ng nagmamaneho na may lumalagablab na apoy mula sa likurang bahagi ng sasakyan habang tinatahak nito ang kalsadang patungong bayan ng Padre Garcia. Agad itong huminto sa gilid ng daan at lumabas ng sasakyan upang…
Read MoreResbak ng Pandi, Bulacan mayor P2-M PABUYA VS DUMUNGIS SA PANGALAN NG ALKALDE
MATAPOS na ibasura ng korte ang kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at 2 iba pa, ito naman ang resbak nito, ang paghain ng kontra-demanda at naglaan ng P2-milyong pabuya laban sa mga taong nais dungisan ang kanyang pagkatao at public image. Ayon kay Mayor Roque, handa siyang magbigay ng P2-milyon sa sinomang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Mikaela Mariano, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay 188, Bagong Silang, Caloocan City, ang indibidwal na nagsampa ng kasong rape sa alkalde na ibinasura na ng korte. Nauna rito,…
Read MoreLALAKI NIRESBAKAN NG AMO NG TRABAHADOR
CAVITE – Patay ang isang lalaki nang resbakan ng isang rider matapos pagalitan umano nito ang trabahador ng suspek sa Dasmariñas City nitong Lunes ng madaling araw. Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Glen” dahil sa pagpatay sa biktimang si alyas “Erwin”. Ayon sa ulat, bandang ala-1:40 kahapon ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, kung saan kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang nasabing lugar sakay ang kanilang motorsiklo. Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, pinagbabaril ng suspek ang biktima dahilan ng…
Read MoreMIYEMBRO NG ARMED GROUP TIMBOG SA GRANADA, 2 BARIL
ZAMBOANGA DEL SUR – Arestado ang isang miyembro ng potential armed group (PAG) at nakumpiskahan ng dalawang baril at pampasabog sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation ang Detection Group noong Sabado sa bayan ng Bayog, sa lalawigan. Ayon sa ulat, isinagawa ng operasyon ng CIDG Zamboanga Field Unit laban sa suspek na kinilalang si alyas “Junrel”, miyembro ng isang potential PAG na ginagamit umano ng isang politiko sa lugar. Ayon kay CIDG Director Police major General Nicolas Torre III, sa bisa ng search warrant sa paglabag sa RA 10591 o…
Read MoreBILYONG PISONG KITA SA QUARRY NG NUEVA ECIJA, MISSING?
BILYONG pisong revenue ang inaasahang kita sana ng probinsya ng Nueva Ecija sa multibillion project ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na magdudugtong sa tatlong malaking expressway na tutumbok sa sentro ng komersyo at negosyo sa siyudad ng Cabanatuan, subalit sentro ng diskusyon kung saan napunta ang koleksyon sa quarry. Base kasi sa report ng Commission on Audit (COA), kulelat sa quarry collection ang Nueva Ecija kung saan umabot lamang sa halos P400,000 ang idineklarang kita ng probinsya noong 2022 at nasa P1 milyon lamang ang kinita noong 2023, gayong…
Read More