CONG. TEVES LUMANTAD NA, ‘DI PINAYAGAN NG SENADO SA TELECONFERENCING

Binasag na ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves ang kanyang pananahimik matapos hindi siya payagan na makasama sa Senate Hearing kamakailan sa pamamagitan ng teleconferencing.

Sa isinagawang press conference ni Teves kamakalawa tinawanan lamang niya ang plano ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ideklara siyang terorista sa ilalim ng ant-terror law.

Anya, nakatatawa na ang ginagawa ni Remulla sa kanya na para nang perya ang isyu para idiin siya sa kaso (Gov. Degamo slay).

“Unang-una sa tanong nyo, ang pakiramdam ko ay nakatatawa na nagiging perya na ang isyu, is becoming to be a circus, ‘di ba? Paano kang magiging terorista, kung hindi ka pa nga nakakasuhan?”, paliwanag pa ni Teves sa nasabing prescon.

“Sabay paano kang magiging mastermind in the first place, wala man lang sila, there’s nothing”, dagdag pa niya.

Sinasabi ni Remulla na nasa ilalim daw ang mga aktibidad na humantong sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Dahil dito, ay pinaplanong ipa-designate sa anti-terrorism council, bilang isang terorista si Cong. Teves.

Kasabay nito, sinagot ni Teves ang paulit-ulit na tanong sa kanya ng DOJ kung bakit ayaw niyang umuwi sa bansa.

“Ang kinatatakutan ko, is the foul play, at kinakabahan rin ako nung sinabi ni Presidente (BBM) na ang punot dulo nito ay Degamo case”, ayon pa sa kanya.

“Baka hindi lang nakarating sa kanya (PBBM) ang panawagan ko sa kanya, December at January 11, 2023, sabi ko na may operation laban sa akin na yung bahay ko ay ipare-raid ang bahay ko at tataniman kung walang laman”, pahayag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Teves sa mga tanong na kung nasa South Korea pa siya na “no comment” siya.

Binanggit pa niya na parehas sila ngayon ng dinaranas ni suspeded Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag sa ilalim ng Marcos Administration.

“Bakit yung kay Percy Lapid ay grabe rin ang imbetigasyon? Bakit? Dahil ba si Bantag ang gusto niyang ituro para sumikat kayo? Bakit ganun di ba? and yet dapat ang batas ay pantay para sa lahat, dapat ang imbestigasyon ay para sa lahat, pantay din”, paliwanagpa ni Teves.

Giit pa niya na hindi siya ang lumapit sa Senado, subalit siya ang inimbetahan ng Senado para ibigay ang kanyang oras at panahon sa Senate investigation kung uuwi pa ba siya ng bansa.

Tinanong din si Teves sa prescon kung may balak pa siyang umuwi.

Ayon sa kanya, kung mararamdaman niya na safe na siya ay babalik na siya sa bansa, dahil totoo ang mga threat o banta sa buhay niya at sa kanyang pamilya.

Idinagdag pa ni Teves na patuloy siyang nakikipag-ugnayan kay PBBM para igiit ang kanyang karapatan.

Natanong din si Teves, kung inaasahan pa niya ang fair trial sa kanya at sinabi niyang sa ngayon ay hindi siya umaasa bagamat wala pa siyang kaso ay siya ang nadidiin sa Degamo slay case.(Joel O. Amongo)

92

Related posts

Leave a Comment