REP. TEVES DUMALO SA PNP-TRAINING INSTITUTE GRADUATION

Binati ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang mga bagong graduates ng National Police Training Institute (NPTI) kamakailan sa Camp BGen Vicente P. Lim sa Calamba City.

Pormal na inimbita ng National Headquarters/National Support Units (NHQNSUs) si Rep. Teves na maging keynote speaker sa graduation ceremony ng mga bagong magigiting na kapulisan.

“Naniniwala po ako na ang ating kapulisan ay tapat sa kanilang tungkulin. Maari na may ilan ang nagkakamali o naliligaw, ngunit sa kabuuan ay mas matimbang pa din ang mabubuti at tapat na pulis sa ating bansa,” pahayag ni Teves.

Dagdag pa nito, kung may nagkamali na pulis man, hindi ito dapat gawing basihan na lahatin ang kapulisan sa bansa dahil ayon dito, nagiging mapayapa ang isang bansa dahil na rin sa tulong at partisipasyon ng mga kapulisan.

“Alam ko na kayo ay magiging tapat sa inyong tungkulin. Baunin niyo po ang aking panalangin. Dasal ko po na kayo ay pag-ingatan lalo na sa panahon na nasa tungkulin o duty,” matamis na salita ni Teves sa kapulisan.

AKSYON MAN: Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie “Kuya Arnie” Teves kasama si NHQ/NSUs TC chief P/Col. Joselito Villarosa Jr. at ibang opisyales

TEVES CARES: Rep. Arnie Teves kasama ang bagong graduate ng PNP-Training Institute

117

Related posts

Leave a Comment