DAVAO ORIENTAL ZERO CRIME PAGKARAAN NG LINDOL

INIHAYAG ni PCol. Esmeraldo Osia Jr., hepe ng Community Affairs Division ng PNP-Directorate for Police Community Relations, naitala ang “zero crime rate” sa Davao Oriental matapos ang lindol.

Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Osia na nanatiling maganda ang law enforcement operations ng Philippine National Police sa Davao Oriental.

Aniya, walang nangyaring “looting incidents” o walang nanamantala sa sitwasyon sa kabila ng nangyaring malakas na lindol.

Upang manatili ang kaayusan at pagtulong sa mga nangangailangan ay nag-deploy ng mahigit sa 2,000 na pulis sa Davao Oriental.

Bukod pa ito sa Reactionary Standby Support Force.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pag-monitor ng PNP sa sitwasyon sa Davao Oriental.

(TOTO NABAJA)

103

Related posts

Leave a Comment