INAASAHANG maisusumite ngayon ang detalye ng ikinakasa nang PBA bubble sa harap ng target na buksan ang liga sa Oktubre 9 at gawing venue ang Clark.
Sinabi ni Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na subject for approval ng IATF ang ilang proposal para sa iginigiyang opening ng professional basketball league.
“So, iyong details will be submitted this week. And we will have to await the approval of the IATF.
But hopefully, since the PBA wants to start as soon as possible, they have a target date of October 9 to start the games.
But of course, they have to start practicing first dahil, alam ninyo naman, mga anim na buwan ding nahinto ang games at practices ng ating mga professional players, so kailangan nila nang konti na ilang linggo ng pagpa-practice.
So—pero ano po ‘no, kapag ito ay lumabas na, ia-announce po natin ito lalo na kapag ito ay na-approve na ng IATF, ayon sa opisyal.
Sa ngayon ayon kay Dizon ay venue pa lamang ang napagdedesisyunan ng Philipppine Basketball Association habang ilang mungkahi naman ang kanila nang inilatag.
“We have a proposal already with the PBA, with the bubble will be held in Clark.
The hotel where the PBA players and staff and coaches will be staying will be the Mimosa Resort in Quest Hotel run by Filinvest Land. And the official venue for the bubble, for the games will be the Angeles University Foundation Court which was also used during the Southeast Asian Games,” ayon kay Dizon.
Kaugnay nito, naniniwala si Dizon na ang PBA bubble ay maituturing na isang simbolo papunta na sa new normal lalo’t greatest past time ng mga Pinoy ang PBA.
“Tingin ko po ang PBA bubble ay napakalaki ng magiging simbolo nito sa papunta natin sa new normal dahil alam naman po ninyo ang greatest past time ng ating bansa, ng ating mga kababayan ay basketball, ang PBA,” pahayag ni Dizon. (CHRISTIAN DALE)
162
