HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na huwag maniwala sa mga dilawan o oposisyon na patuloy na nagpapakalat ng kritisismo at kasinungalingan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“‘Wag po sana kayong maniwala diyan sa mga dilawan, sa oposisyon dito na hampas dito, hampas doon, kung ano pinagsasabi,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“For as long as the virus lives on this planet, we are in real danger,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.
Naniniwala ang Pangulo na ang anomang sasabihin ng mga dilawan ay makapagbibigay lamang ng stress sa taong makaririnig.
“‘Wag ho kayo maniwala. Dito lang. Kami dito lahat, Senator (Bong) Go, Secretary (Carlito) Galvez, Secretary (Francisco) Duque, Secretary (Delfin) Lorenzana, Secretary (Eduardo) Año… we did not joined government to lie,” ayon kay Pangulong Duterte.
Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay huwag kaagad maniwala sa bawat sasabihin ng mga dilawan o oposisyon.
“‘Wag kang basta na lang maniwala na ganito, ganito,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)
146
