EARLY VOTING SA SENIORS, PWDs APRUB NA SA KAMARA

INAPRUBAHAN na sa committee level ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa early voting ng mga senior citizen at people with disabilities sa mga darating na halalan.

Walang tumutol nang isalang sa botohan sa House committee on suffrage ang House Bill (HB) 2839 o An Act providing early voting for qualified senior citizens and persons with disabilities in national and local elections.

Hinihintay na lamang ang approval ng House committee on appropriation para sa pagpopondo sa nasabing panukala bago ito isalang sa plenary debate para pagtibayin sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Sa ilalim ng nasabing panukala, isang linggo bago ang aktuwal na araw ng halalan ay pabobotohin na ang mga senior citizen at PWDs upang hindi na makipagsabayan sa mga mas bata at walang karamdaman sa mga presinto.

Base sa nasabing panukala, bukod sa hindi mahihirapan ang matatanda at may kapansanan na bumoto ay mas mataas umano ang turn-out of votes kapag pinaboto nang mas maaga ang mga ito tulad ng karanasan ng Amerika sa kanilang early voting.

“Research shows that in the 24 states in America with no-excuse absentee voting, turnout increased in 2004 by 6.7 percent, whereas it increased by 6.2 percent for other states.

In the 11 states that had early voting in 2002 and 2004, turnout increased by an average of 7.2 percent as opposed to 6.2 percent in states without early voting,” ayon sa nasabing panukala.

Dahil dito, ipinasa ang nasabing panukala upang mas marami ang matatanda at may kapasanan na makaboto.

Gayunpaman, bago magkaroon ng karapatan na bumoto nang mas maaga ay dapat magparehistro ang mga senior citizen at PWDs sa Commission on Election (Comelec).

“There shall be a nationwide voter registration for senior citizens and PWDs availing themselves of early voting. Those who do not register can vote on election day,” ayon pa sa panukala. (BERNARD TAGUINOD)

222

Related posts

Leave a Comment