GUEST host sa Tropang LOL ang girlfriend ni Cong. Sandro Marcos na si Alexa Miro.
Sa naturang programa ay nilalaglag ng mga host na sina Billy Crawford, Wacky Kiray at maging ang kanilang guest celebrity contestant sa Marites segment na si Matteo Guidicelli si Alexa.
Pinaaamin nila ang sexy actress kung ano ba ang totoo sa kanila ng anak ni Presidente BongBong Marcos.
Ayon kay Alexa, “walang aaminin. Magkaibigan lang kami” na hindi naman pinaniniwalaan ng mga nasa loob ng Tropang LOL studio.
Nakaaaliw rin naman panoorin ang rumored GF ni Cong. Sandro. Kahit siya ang tampulan ng tukso ng TLOL hosts ay game naman niyang sinasagot ang mga panlalaglag ng mga ito.
‘Yun nga lang hindi siya mahuli-huli ng hosts. Hindi talaga nila mapaamin ang sexy actress.
Ang saya ng kanilang Maritest segment.
Lahat ng celebrities na nanood ay kanilang binanggit. Una ay si Ariel Rivera. Sabi pa ni Billy nami-miss na nila ang actor-singer. Dating kasama bilang host si Ariel sa LOL.
Maging si Aga Muhlach ay nanonood din daw.
Biglang kambiyo ni Billy kay Matteo, “si Mommy D nanonood din.”
Napamulagat si Matteo na parang nagtatanong kung sinong Mommy D.
Sambit agad ni Billy, “si Mommy Dionesia” saka sabay nagtawanan ang lahat. Aliw namang biniro pa rin ni Matteo si Alexa, may isa pa raw nanonood ng TLOL, “si Sandro” sabay focus ng camera kay Alexa.
Reaksyon niya, walang nagawa kundi magtakip na lang ng mukha.
Anyway, live ang TLOL kahapon at pinagsisigawan nilang trending sila. Nasa number 4 daw sila as a top trending sa social media.
Samantala, marami ang nagtatanong kung regular host na rin daw ba si Alexa sa TLOL.
