EMPOY SUMABAK NA RIN SA BUBBLE GANG

FROM TV5 ay napanood na ngayon si Empoy Marquez sa GMA 7.

Unang napasabak si Empoy sa Bubble Gang barkada, every Friday, 9:40 pm sa Kapuso Network.

May nagtanong kung regular na raw ba si Empoy sa longest running gag show sa telebisyon, Bubble Gang. Napasabak siya sa ilang gag ng show.

Pagdating sa pagpapatawa ay hindi na matatawaran ang galing ni Empoy at sabi nga bagay na siyang mapasama sa BG barkada na sina Michael V, Sef Cadayona, Valeen Montenegro at iba pa.

Kaya lang napansin ng netizens na tila naninibago si Empoy kapag kaeksena ang cast ng BG.

Hindi pa kaya siya nakapag-adjust at nakiramdam pa kung swak siya sa barkada?

Inaabangan ng mga viewer ng longest gag show si Empoy dahil sa kanyang natural na galing sa pagpapatawa.

Pwede raw i-partner si Empoy kina Sef o Kokoy de Santos. Magaling naman siyang makisama sa nagiging co-stars.

Hindi naman daw maangas si Empoy at hindi nagpi-feeling big star, gaya ng iba.

232

Related posts

Leave a Comment