JANE NAGTAKA NANG MAPILING BAGONG DARNA

IBINAHAGI ni Jane de Leon sa morning show na Magandang Buhay ang pinagdaanan niyang batikos sa bashers.

May nagsasabing hindi raw siya bagay sa role na iconic Pinoy superhero at maging ang ilan showbiz personality ay may comment din sa kanya na kesyo “bland” o walang dating bilang Darna.

Sa naturang morning show rin sinagot ni Jane ang mga batikos sa kanya tungkol sa pagkakapili bilang bagong Darna.

Inamin ng aktres na nasasaktan siya sa mga batikos bilang Darna. Umpisa pa lang daw nu’ng siya ang napiling Darna mula sa 300 hopeful ay sinimulan na siyang i-bash. Nandoon wala raw siyang karapatan maging Darna.

“Una po talaga, alam ni Mommy ‘yun na naapektuhan ako,” say ni Jane.

Aminado na isang baguhan pa raw siya pero pinalad napiling gumanap na Darna, maging siya hindi makapaniwala dahil napakaraming naghangad maging Darna.

“Hindi ko alam kung paano ko iha-handle, siyempre, naapektuhan din ako, ganyan, bakit nila sinasabi ‘to?” aniya.

“Pero after year and months, na-realize ko rin po na may point din naman sila. Bakit nga ba ako ang napili? Sa totoo lang, hindi ko rin po alam kung bakit ako ang napili,” pagtatapat ng bagong Darna.

Ipinagtanggol naman ni Regine Velasquez-Alcasid na host ng Magandang Buhay si Jane bilang bagong Darna.

“Alam ko, naiintindihan ko kung bakit pinili ng ABS-CBN ‘yung someone who is new and fresh. Siyempre, ang gusto nating Darna ay bagong mukha,” pagtatanggol ng Asia’s Songbird

Sabi pa ni Ms Regine, “I remember, when it was Angel (Locsin), bago, eh. Si Vilma Santos, she was so young when she did Darna, kilala natin siya, pero baguhan din siya. Even Lorna Tolentino.

“So, tamang-tama lang na bagong mukha rin ang magiging Darna ngayon.

“Na-share rin ni Ms Regine, year 2003 ay gumanap din siyang Darna sa Captain Barbell movie na pinagbidahan ni Senator Bong Revilla.

Sinuportahan si Jane ng kanyang mommy sa kabila ng mga natatanggap na batikos.

“Parang ang hirap din on our part kasi ako, nakikita ko siya minsan, umiiyak. Pero strong naman si Jane. So, over the years, natutunan din niya na mag-adjust sa mundo ng showbusiness. At ‘yun ang nagpapatibay rin sa kanya. So, iniintindi niya na lang.

“Sabi ko, “I think, hindi ka nila kilala kaya siguro nasabi nila ‘yun. Kasi wala silang nakikita sa’yo, puro social media lang.

“So we kept on telling her na, siguro, mag-ano ka ng ibang platform.

That’s why nag-start siyang mag-vlog para mas makilala siya,” pahayag ng mother ni Jane.

Sa ngayon ay marami nang nag-aabang sa paglipad ni Jane bilang bagong Darna.

177

Related posts

Leave a Comment