JULIA LALONG MINAHAL SI COCO SA WAKAS NG FPJAP

VERY proud si Julia Montes kay Coco Martin dahil natupad ang pangarap nitong magdirek at ipinakita ang husay sa pagtatapos ng FPJ Ang Probinsyano.

Sa kanyang appreciation post sa Instagram, ramdam ang wagas na pagmamahal ng aktres sa sikat na aktor.

Isinabay ni Julia ang mensahe sa pagwawakas ng teleserye noong Biyernes ng gabi, August 12.

“Proud na proud ako sa iyo!” bahagi ng mensahe ni Julia para kay Coco.

Matagal nang napabalitang karelasyon ng aktres si Coco, na binigyan siya ng importansya sa huling eksena ng “Ang Probinsyano.”

“Isa at ikaw ay napakalaking parte ng success ng buong show… sa dedikasyon, pagmamahal at sipag na binigay mo sa show, isang karangalan na mapanonood kang nagtrabaho. Saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo.

“Mula sa pangarap lang noon, ngayon naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo at higit pa ang binibigay at pinapakita mo.

Isang sorpresa para sa lahat ng mga sumusubaybay sa nagwakas na programa ang partisipasyon ni Julia sa huling eksena.

Pero nagkaroon ng mga haka-hakang nasa “interesting” stage ang aktres dahil may mga pumuna sa nagbagong korte ng kanyang katawan.

133

Related posts

Leave a Comment