(Ni BETH GELENA)
PINAGHANDAANG mabuti ng It’s Showtime ang kanilang opening number sa back-to-back program nila with Tropang LOL.
Kumpleto ang lahat ng hosts at may live audience na rin sila. Tuwang-tuwa ang madlang pipol dahil sa mahigit dalawang taon na walang audience ang programa ay muli nilang napanood nang live ang kinasasabikang noontime show ng ABS-CBN.
Kesehodang pumila sila ng maaga dahil kinakailangang dumaan pa sila sa proseso basta’t mapanood na raw nila nang personal ang noontime show.
Eksaktong 12:45 nag-umpisa ang programa. Biro nga ni Vice Ganda dahil ganung oras daw talaga siya dumarating. Maganda ang feedback ng audience sa dalawang noontime show na nagsanib-pwersa.
Parehong trending sa social media ang TLOL at ang IS.
