(NI ROSE PULGAR)
PINANGUNAHAN ng kompanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas sa presyo ng mga produtkong petrolyo Sabado ng hapon.
Alas-2:00 ng hapon ang epektibo nang ipinatupad ng naturang kompanya ang pagbawas ng P1.10 kada litro ng kanilang diesel habang P0.50 naman kada litro sa gasolina.
Wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene.
Ang paggalaw sa presyo ng gasolina at diesel ay bunsod ng panibagong paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Inaasahan naman na susunod din ang ilang pang kompanya ng langis sa pangunguna ng tinaguriang “Big3” sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Karaniwang ipinatutupad ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng umaga, maging price hike ito o rollback.
189