BAY BROTHERS SURF ‘N TURF

BAY-2

Ang resto bar na “Kumpletos Rekados”

Hindi lang gimikan, pampamilya pa! Ito ang Bay Brothers Surf and Turf Resto Bar na matatagpuan sa Bldg. D, Unit 1-6 SM MOA by the Bay, Seaside Blvd., Pasay City.

Talaga nga namang wala nang hahanapin pa maging ang mga grupo na gustong gumimik, empleyado man ng mga kompanya, mga estudyante, professionals, kasal, birthday celebrations at pampamilya pa.

Pagkagaling sa Mall of Asia (MOA) ng mga tao na nasa harapan lang nito tuloy na agad sa Bay Brothers Surf ‘N Turf Resto Bar.

Lahat ng kanilang gustong putahe at makakain ay matatagpuan nila sa Bay Brothers Surf ‘NTurf, ika nga “Kumpletos Rekados na ito na patok sa barkadahan at sa pamilya.”

Bagama’t maraming katabing naglalakihang restaurants ang Bay Brothers Surf ‘N Turf sila pa rin ang paboritong puntahan ng mga customers.

Dinudumog ng mga gimikero, gimikera at pami-pamilyang nagmula pa sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila at maging mga dayuhan.

Sa panayam ng team ng SAKSI Ngayon kay Jimmy De Guzman, Chef Head ng Bay Brothers Surf ‘N Turf mayroon silang mga putaheng ipinagmamalaki kaya sila dinadagsa ng kanilang mga customers.

Kasama sa kanilang inihahanda ay ang Western cuisine (menu) at paborito ng mga “Puti” na steak (US, Canada, Europe).

Kasama sa tinatawag na Western Cuisine ay ang putahe na katulad ng mga lutong Pinoy na patok sa mga dayuhang nagmumula sa mga bansa sa Asya na kalapit lang ng Pilipinas.

Ayon pa kay De Guzman, bagama’t tabi-tabi lang ang mga kainan sa likod ng SM MOA ay nangingibaw pa rin sila sa lahat dahil mura na ang kanilang mga putahe, ay masasarap pa.

Kabilang sa mga ipinagmamalaki nila at dinarayo ng kanilang mga customers ay ang Pork Crispy Ulo, Crispy Pata, Onion Rings, Stuffed Squid with salsa at Squid Ring (Calamares).

Binabalik-balikan din ng kanilang mga customers partikular ng mga gimi­kero at gimikera ang kanilang mga putaheng (sizzlers) Sizzling Pork Humba, Sizzling Bangus, Sizzling Mixed Seafoods, Sizzling Balut (with special chef sauce), Sizzling Sausage, Sizzling Tokwa, at Sizzling Gambas.

Paboritong pulutan ng mga gimikero at gimikera sa Bay Brothers Surf and Turf ang sizzlers.

Bagama’t pangpulutan sa gimikan ang mga customers sa resto bar na ito ay mabili rin sa pami-pamilyang pumapasok dito.

Hindi lang pampulutan maging ng mga pamilya ay patok din ang mga nabanggit na pagkain.

Bukod sa gimikan na mga putahe mayroon ding pampamilyang pagkain ang resto bar na tinatawag nilang family meals na good for 3-4 persons.

Ang mga ito ay ang Grilled Liempo w/ Shrimp na may kasamang atchara, 4 rice at 4 iced tea; Bay Back Ribs na may kasamang one slice baby back ribs, 4 rice at 4 iced tea; Surf ‘N Surf Set, grilled fresh tuna skewers, grilled shrimps, beef terderloin, vegetable salad, 4 rice at 4 iced tea; at Fried chicken w/ Squid, one whole fried chicken, grilled Squid, 4 rice at 4 iced tea.

May Steak Specialties din sila na paborito naman ng mga dayuhan lalo na ang mga Puti (US, Canada, Europe).

Kabilang sa mga ito ay ang Rib Eye (rich, tender, juicy, and full-flavored steak); Bay Brother’s Fillet (tender, beef fillet, lightly seasoned and sizzle-grilled; Pork loin Steak (boneless pork chop); Porkchop Sharing (tender chops) at Pork Tender Steak.

Marami pang mga special menu ang Bay Brothers Surf ‘N Turf tulad ng mga Bar Chow, Red Hotsticks, Chef Sinuglaw, Ultimate Nachos, Chicharon Bulaklak, Tokwat Baboy w/ Salt and Pepper; Seafood Special, Crab Bucket, Baked Mussels, Baked Oyster Rockefeller, Baked Lobster at Shrimp Bucket; Hot of the Grill, Pork Barbecue,  Baby Back Ribs Whole, Chicken Barbecue, Sausage Platter, Surf and Turf Specials, Grilled Rib Eye w/ Grilled Shrimp, Chicken Barbecue w/ Lemon Butter Shrimps, Grilled Sausage Choice w/ Beer, Buttered Fish Fillet, Grilled Porkloin w/ Beer, Buttered Fish Fillet, Salpicao Surf ‘N Turf Beef Tenderloin; Bay Brothers Pizza, Prawn Capsicum, Bacon Pesto, Surf and Turf Specials, Sisig Pizza; Pasta, Salted Egg, Alfredo, Pesto Pasta, The Heartbreaker; Burger & Sandwich, Ham and Cheese Sandwich, Clubhouse w/ Chicken Wings and Fries; Solo Meals, Quarter Chicken BBQ, Bangus, Riblet, Grilled Tuna; Special Soup & Salad, Cream of Potato Leek Soup, Soup of the Day, Mussles Ginger Soup, Clams Ginger Soup, Oriental Chicken Salad, Ceasar Salad, The Bay Salad, Nachos Salad; Appetizers, Grilled Chicken Skewers, Grilled Steak Skewers, Grilled Tuna Skewers, Mozzarella Cheese, Chicken Wings, Red Hot Sticks, Chicken Wings at Buffalo w/ Taco, Shrimp.

Bukod sa mga ordinaryong customers dinayo rin ng 40 naggagandahang Miss Earth Candidates 2018 noong nakaraang taon ang Bay Brothers Surf ‘N Turf para sa kanilang gimmick time sa Pilipinas.

Naging paboritong puntahan din ng mga artista ang resto bar na ito tulad ng actor na si Jeffrey Santos.

Ipinagmamalaki rin ng bar na ito ang kanilang magagaling na banda na pwedeng maki-jamming ang kanilang customers.

Ayon kay Ruby May Nierva, Admin Secretary ng Bay Brothers Surf ‘N Turf malakas ang kanilang resto bar sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo.

Sa 27 empleyado nila ay halos hindi sila magkandaugaga sa mga araw na ito sa dami ng kanilang mga customers.

Sinabi pa ni Nierva na bukod sa masasarap nilang pagkain ay nalilibang din ang kanilang mga customer ng kanilang iba’t ibang banda tuwing gabi na nagsisimula ng alas-6:00. Ang kanilang mga banda ay dalawang klase na kinabibilangan ng acoustic band na kumakanta ng mga love songs at full band para naman sa mga rakrakan na paborito ng mga kabataan. Ang araw ng Biyernes ang tinatawag nilang Barkada Night dahil karamihan ng mga pumapasok dito ay grupu-grupo.

Tumatanggap din sila ng schedule para sa event at iba pang okasyon dahil mayroon silang dalawang VIP rooms na may kapasidad ng 25-katao at 60-katao.

Idinagdag pa ni Nierva na bagama’t mahigit anim na buwan pa lamang siya sa Bay Brothers Surf ‘N Turf ay nakita niyang dinadayo sila ng iba’t ibang tao maging dayuhan man o mga Pinoy.

Naging malaking factor din nila ang kanilang Head Chef na si De Guzman dahil sa pitong taon niyang karanasan sa pagluluto.

Katuwang din ni Chef De Guzman sina Jay-Ar Cezar, bilang bar captain at Allen Amor, bilang Dining Captain.

Bukas ang Bay Brothers Surf ‘N Turf mula Lunes 10am-1am; Martes 10am-1am; Miyerkoles 10am-1am; Huwebes 10am-1am; Biyernes 10am-2am; Sabado 10am-2am at Linggo 10am-2am.

271

Related posts

Leave a Comment