(NI ROSE PULGAR)
MISMONG Araw ng Paggawa o Labor Day magpapatupad ng katiting na bawas presyo sa liquiefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo hatinggabi ng Mayo 1.
Sa abiso nitong Martes ng Petron Corporation, dakong alas-12:01 ng hatinggabi, P0.20 sa presyo kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.20 ang bawas presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Bukod sa lpg ,binawasan din ng Petron ng P0.10 kada litro ang ng kanilang Xtend Auto-LPG na ginagamit sa taxi.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya tulad ng Solane at Total sa kaparehong bawas presyo sa LPG at Auto-LPG dahil hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong roolback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.
160