OIL PRICE HIKE

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MAY panibagong dagdag- presyo na ipinatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw (Hunyo25).

Pinangunahan ng kompanyang Petrogazz, Pilipinas Shell at PTT Philippines ang pagpapatupad ng dagdag presyo na P0.30 kada litro sa gasoline at P0.55 naman kada litro sa diesel at habang P0.45 sa kerosene na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kabilang na ang mga malalaking kompanya sa kahalintulad na presyo.

Ang ipinatupad na dagdag- presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan

Magugunitang huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong peterolyo noong Hunyo 18 ng P0.35 kada litro sa gasoline, P0.25 sa kerosene habang P0.20 naman kada litro sa  diesel.

125

Related posts

Leave a Comment