PRESYO NG GASOLINA TATAAS; DIESEL BABABA

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS ang dalawang linggong sunod sa pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo, may nakaamba naman na dagdag presyo sa gasolina habang may bawas naman sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na P0.20 hanggang P0.30 centavos kada litro ang dagdag sa presyo ng  gasoline.

Wala naman paggalaw sa presyo ng diesel at kung mayroon mang itong pagtaas ay nasa P0.10 centavos kada litro.

Habang sa kerosene ay may pagbaba ang presyo na nasa P0.35 hanggang P0.45 kada litro.

Posibleng bukas, Linggo ay mag-anunsyo na ang ilang mga  kumpanya ng langis  maliban na lamang ang tinaguiang big3 (Petron Corporation , Pilipinas Shell at Caltex Philippines) na inaasahan sa Martes ng umaga magpapatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

225

Related posts

Leave a Comment