ROLLBACK!

oil34

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaamba na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa mga kumpanya ng langis, tinatayang nasa P0.30-P0.40 kada litro sa gasoline, P0.20 hanggang P0.30 kada litro Sa diesel habang sa kerosene ay nasa P0.30 hanggang P0.40 naman sa kada litro na rollback.

Umaabot nang mahigit P3 ang naging pagtaas ng presyo ng gasolina at P2.40 naman sa diesel at kerosene dahil sa magkakasunod na taas-presyo.

Ang nakaambang taas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Nabatid na limang linggong magkakasunod na oil price hike ang naranasan at ngayon ay may nakaamba na rollback.

277

Related posts

Leave a Comment