ROLLBACK

0

(NI ROSE PULGAR)

MAGPAPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bukas ng umaga (Nobyembre 26).

Pinangunahan ng kompanyang Petron Corporation , Pilipinas Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, at Unioil ang bawas presyo na P0.20 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel at kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpapalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment