11 SILAT SA P25M SMUGGLED YOSI

HINDI na nagawang pumalag ng 11 katao matapos dakpin ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng nasa P25 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Zamboanga.

Ayon kay BOC-Zamboanga District Collector Sigmundfreud Barte, Jr., nabulilyaso ang kontrabandong lulan ng isang bangkang de-motor habang nagsasagawa ng sabayang pagpapatrolya ang mga tauhan ng Water Patrol Division (WPD) at Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) malapit sa Sta. Cruz Island.

Sa paunang imbestigas­yon, lumalabas na patungo sa Zamboanga City ang sasakyang-dagat na agad pinahinto para inspeksyunin ang lulang kargamento. Dito na tumambad ang kahon-kahong imported cigarettes na agad hinanapan ng mga kaukulang dokumento.

Nang walang maiprisintang patunay na lehitimo ang sakay na kalakal, agad na kinumpiska ang kontrabando, kasabay ng pag-aresto sa 11 tripulante.

Sa imbentaryo, umabot sa 707 master cases ang nasamsam sa naturang operasyon.

Pag-amin ng mga hindi na pinangalanang suspek, nagmula ang kontrabando sa Isla ng Pangutaran sa Sulu at nakatakda sanang ibagsak sa Barangay Baliwasan sa Zamboanga City. Nakatakda na rin sampahan ng kasong paglabag ng Republic Act 10863(Customs Mo­dernization and Tariff Act of 2016) ang 11 arestadong suspek.

38

Related posts

Leave a Comment