13 SAKOTE, P4M SMUGGLED YOSI TIMBOG SA MINDANAO

TILA hinahamon ng mga sindikato ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga malawakang cigarette smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Patunay nito ang kabi-kabilang tangkang magpalusot ng mga imported na sigarilyo sa Maguindanao at Davao.

Sa isang kalatas, muling nanawagan si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa 17 district collectors na pag-ibayuhin ang pagtugis at pagsawata sa mga cigarette smuggler, kasunod ng matagumpay na operasyon sa mga naturang lalawigan.

Pinakamalaki ang nahagip sa Davao City kung saan aabot sa P3-milyong halaga ng mga smuggled na yosi ang nasabat sa checkpoint na magkatuwang na inilatag ng BOC at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Toril sa Lungsod ng Davao.

Arestado naman ang dalawang hindi [pinangalanang suspek na lulan ng isang trak na diumano’y gamit sa pag­hahatid ng 4,250 reams ng smuggled na sigarilyo sa mga negosyanteng nakabase sa nabanggit na lungsod.

Sa bayan ng Parang, lalawigan ng Mindanao, hagip din ang 11 kataong huli sa akto habang nagdidiskarga ng hindi bababa sa P1-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa baybaying bahagi ng Sitio Lower Pinantao.

Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon na tumatayong police regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), isang ulat umano ang kanilang natanggap kaugnay ng pagdating ng sandamakmak sa smuggled yosi sa naturang barangay. Dito na ikinasa ng pulisya ang operasyon, katuwang ang mga operatiba ng BOC.

Pawang nakapiit na ang 13 arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

25

Related posts

Leave a Comment