PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Davao ang ‘13th Brunei Darussalam Indonesia Malaysia Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Heads of Customs (HoC) 2019 Meeting’ noong Disyembre 9 sa Waterfront Insular Hotel sa Davao City.
Si BOC Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ang namuno sa nasabing meeting sa tulong ni Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) Atty. Edward James Dy Buco na ang pangunahing inisyatiba ng bawat bansa ay maabot ang BIMP-EAGA Vision 2025 (BEV 2025) na kanilang tinalakay.
Para sa bansang Pilipinas, ang event showcase ay ang implementasyon ng Goods Declaration Verification System – isang modernized at electronic system para paganahin ang importers at brokers na maabot nila ang tamang oras ng impormasyon ng kalagayan ng kanilang ‘goods declaration online’ at ang WCO Cargo Targeting System (CTS).
Ito rin ay isang instrumento sa advance profiling ng shipments bago pa man dumating sa Philippine ports gamit ang manifest data na ibinigay.
“BIMP-EAGA today has reached peaks in its thrust of accelerating socio-economic development of its member countries. We have exerted efforts for easier trade facilitation of goods and services. Definitely, the role of the Bureau of Customs is pivotal in the realization of BEV 2025,” ani Atty. Erastus Sandino Austria.
Sa kasalukuyan, ang working group meeting ng BIMP-EAGA Heads of Customs ay nagpapatuloy upang ipursige ang pag-unlad para maabot ang roadmaps para sa BEC 2015.
Ang mga miyembro ay nagkasundo na ang susunod na host na bansa para sa 14th BIMP-EAGA HoC ay ang Brunei Darussalam. (Joel O. Amongo)
124