15 40-FOOTER CONTAINER VANS NG GULAY NASABAT SA BOC-SUBIC

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC-Subic) ang labing-limang 40-footer container vans ng misdeclared agricultural products sa Subic kamakailan.

Ayon sa natanggap na mapagkakatiwalaang impormasyon, ang Port of Subic ay nag-isyu ng walong Pre-Lodgment Control Orders at dalawang Alert Orders laban sa kabuuang labing-limang 40-footer container van shipments na umano’y naglalaman ng frozen lobster balls at frozen Surimi crab.

Gayunpaman, sa isinagawang 100% physical examination sa nasabing inalertong shipments, natagpuan ang iba’t ibang fresh vegetables na kinabi­bilangan ng potatoes, carrots, at broccoli.

Ang nasabat na misdeclared agricultural products ay naging pakay ng seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 na may kaugna­yan sa Section 117 ng CMTA at DA A.O. No. 09 Series of 2010, and DA A.O. No. 18 Series of 2000.

Gayundin, ang records ng subject importation ay isinangguni sa Bureau Action Teams Against Smuggling para sa kaukulang case build-up at pagsasampa ng kaso laban sa mga taong responsable sa tangkang smuggling.

Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kalalakihan at kababaihan ng Port of Subic sa pagbabantay sa mga hangganan ng bansa laban sa pagpasok ng potentially ha­zardous agricultural pro­ducts.

Ang BOC-Port of Subic sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Collector Ciria­co Ugay, ay nananatili sa kanilang hindi natitinag na pangako sa mahigpit na implementasyon ng customs rules and regulations, at mga batas, at pagpapabilis ng pag-release nang naaayon sa batas ng imported goods.

(BOY ANACTA)

381

Related posts

Leave a Comment