17 District Collectors pinulong ni Rubio DAGDAG ESTRATEHIYA BINALANGKAS NG BOC

SA hangaring isakatuparan ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr., pinulong ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio and 17 district collectors kasabay ng pagbalangkas ng mga bagong estratehiya para sa nalalabing siyam na buwan ng kasalukuyang taon.

Sa Collectors’ Confe­rence na pinatawag ni Rubio, kabilang sa mga tinalakay ang mga ulat ng 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng kawanihan at mga nakalatag na programa ng mga nakaupong district collectors.

Bilang pambungad, pinuri ni Rubio ang ipinamalas na sigasig ng 17 district collection offices sa nalikom na pondo mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento sa unang dalawang buwan ng 2023.

“It is clear that all the districts are on the right path as seen in the reports that have been presented today,” ani Commissioner Rubio.

“For the hard work of all our collection districts, I express my appreciation and congratulations,” dagdag pa niya. (JO CALIM)

53

Related posts

Leave a Comment