18.6% labis sa October target collection P75.5B PARA LANG SA ISANG BUWAN!

Ni JOEL O. AMONGO

HINDI nagpaawat ang Bureau of Customs (BOC) sa pagtatala ng higit pa sa nakatakdang target collection matapos makasungkit ng tumataginting na P75.5 bil­yong kita mula sa pumasok at lumabas na kargamento para sa buwan ng Oktubre.

Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na walang patlang ang naitalang labis na koleksyon ng kawanihan sa nakalipas na sampung buwan, kasabay ng pahayag na mas paiigtingin pa ang paglikom ng buwis at taripa sa patuloy na pagdagsa ng kalakal bunsod na rin ng nalalapit na kapaskuhan.

Ayon pa sa naturang tanggapan, mas mataas ng 34.8% ang pumasok na koleksyon para sa buwan ng Oktubre kumpara sa P56 bilyon na naitala naman sa parehong buwan ng 2021.

Sa pagtataya ng naturang ahensya, sobra pa ng P11.8 bilyon (katumbas ng 18.6%) ang kabuuang halaga ng pondong nalikom ng 17 district collection offices at iba pang mga tanggapan.
Mula Enero hanggang Oktubre, pumalo na sa 714 bilyon – katumbas ng 97% ng P733-bilyong 2022 target collection.

Year-to-date, collections reached P714.3 billion, growing by 37 percent from the P525.4 billion from January to October 2021.

Kumbinsido naman si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na papalo sa P953 hanggang P968 bilyon (katumbas ng 30 hanggang 32% increase) ang maiaambag ng pinamumunuang ahensya sa agresibong kampanya ng administrasyong Marcos para sa asam-asam na pagbangon ng ekonomiyang inilugmok ng pandemya at patuloy na hidwaan sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries – ang Ukraine at Russia.

Para kay Ruiz, malaking bentahe ang mga modernong kagamitan at repormang inilatag sa ahensya, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

36

Related posts

Leave a Comment