1ST IMPORTATION NG PBR MINO-MONITOR NG BOC-PORT OF LIMAY

0

Bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapaganda ng kalakalan ng bansa, pinangunahan ni Port of Limay acting District Collector William B. Balayo, ang inspeksyon ng paglabas ng Indonesian Steam Coal na nakalaan para sa Petron Bataan Refinery (PBR) sa SMC private port na matatagpuan sa probinsya ng Bataan.

Ang importasyon ay kinokonsiderang first importation ng Petron Bataan Refinery bilang isang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB)-Registered Entity.

Ang unang importasyon ng PBR ay sumailalim sa mahusay na pagsunod sa lahat ng requirements at kasalukuyang regulasyon kasama na ang mga probisyon ng madaling access sa pagsasagawa ng inspection at monitoring.

Noong nakaraang Abril 16, 2021, ang BOC Port of Limay at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sumaksi sa inventory-taking ng crude oil at petroleum products para madetermina ang inventory levels bago ilipat sa AFAB Registered Enterprise. Nagsimula noong Abril 17, ang PBR sa kanilang pagkwenta para sa mga importasyon bilang isang AFAB Registered Enterprise.

Isa sa mga pribilehiyo ng isang AFAB Registered Entity ay ang tax and duty free importation ng kalakalan sa loob ng Freeport Area sa ilalim ng R.A. 9728 o mas kilala bilang “Freeport Area of Bataan (FAB) Act of 2009”.

Ito ay inamyendahan ng R.A. 11453 o mas kilala bilang “An Act Further Strengthening the Powers and Functions of the Authority of the Freeport Area of Bataan ”

Kaugnay nito, ang Bureau of Customs at ang Port of Limay, sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na pagmomonitor ay nananatili sila sa kanilang pangako na marehistro ang mga entidad (entities) sa pribilehiyo ng tax- at duty-free importations na legal sa inspected and monitored sa kalakalan at pagprotekta sa kita ng gobยญyerno. (Boy Anacta)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment