2022 TOP IMPORTERS KINILALA

SA hangaring magsilbing huwaran sa hanay ng mga negosyante, kinilala ka­makailan ng Bureau of Customs (BOC) ang 10 kum­panyang nakapag-ambag ng malaki sa kampanya ng pamahalaan tungo sa pagbangon ng lugmok na ekonomiya.

Batay sa pagsusuri ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG), kabilang sa mga tinukoy na kumpanyang walang pagkukulang sa taripa at buwis na kalakip ng mga pinasok at inilabas na kargamento sa nakalipas na taon ang Mondelez Philippines Inc., Japan Tobacco International Inc, Glaxosmithkline Philippines Inc., Unilever Philippines, Inc., Chevron Philippines Inc., Nestle Philippines Inc., Novartis HealthCare Phils Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Fast Retailing Philippines Inc., at Toyota Motor Philippines.

Sa isang kalatas ng ahensya, iginiit ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang bentahe ng pagkilala sa mga katuwang ng pamahalaan upang maging huwaran sa iba pang mga importer na nagbibigay sigla sa kalakalang nagtamo ng matinding dagok na dulot ng pandemya.

Pagtitiyak ni Rubio, mananatiling bukas ang kanyang tanggapan sa mungkahi, puna at reklamo ng mga importer at exporter para mas pagbutihin ang serbisyo ng kawanihan.

“We will ensure to heed the feedback of our stakeholders and consider their evaluations to improve Customs services and procedures for efficient trade facilitation,” pahayag ng Customs Commissioner.

(JOSE OPERARIO)

124

Related posts

Leave a Comment