238 KILO NG KARNENG MAY ASF SINUNOG

KARNENG MAY ASF

Pinangunahan ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport (BOC-KIA) personnel ang pagsunog at tamang pagtatapon sa 238 kilo ng  karneng pinaniniwalaang may African Swine Fever (ASF) virus.

Ayon sa report, nasabat ang kontaminadong karne ng BOC-KIA at Veterinary Quarantine Service-VI, Bureau of Animal Industry (VQS-VI BAI) sa Kalibo International Airport kamakailan.

Isinagawa ang pagsunog ng nasabing karne sa municipal landfill sa Old Buswang, Kalibo, Aklan nitong nakalipas na Hunyo 6, 2019.

Matatandaang naghigpit ang buong bansa partikular ang mga paliparan at pantalan matapos pumutok ang isyu ng ASF na nakaaapekto sa mga karneng baboy na nagmula sa mga bansang tulad ng China.

Dahil dito, daan-daang kilong karne at maging de-lata na naglalaman ng karneng baboy ang nakumpiska ng mga tauhan ng BOC sa iba’t ibang pwerto sa buong bansa. (Jo Calim)

138

Related posts

Leave a Comment