24 KILO NG ALAHAS, BULILYASO SA NAIA

NANANATILING palaisipan sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkadiskubre ng nasa P80-milyong halaga ng mga mamahaling alahas na ikinubli sa palikuran ng isang eroplano mula sa bansang Hong Kong.

Ayon sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), natagpuan ang nasa 24.4 kilo ng iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas sa lumapag na commercial flight ng Philippine Airlines (Flight PR301) sa NAIA Terminal 2 nito lamang nakaraang Huwebes.

Ani BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, nakatanggap sila ng tawag mula sa Aircraft Operations Division hinggil sa umano’y natagpuang mga plastic bag sa banyo ng eroplano. Pag-amin pa niya, unang inakala na droga ang nadiskubreng kontrabando.

“It was initially mistaken for drugs but after actual inspection, it was discovered to be assorted jewelry,” pahayag ni Talusan, kasabay ng direktiba para sa mas malalim na pagsisiyasat sa hangaring matukoy ang pagkakakilanlan ng tao sa likod ng tangkang pagpupuslit ng mga kumpiskadong alahas.

Samantala, nangako naman ang pamunuan ng Phi­lippine Airlines ng pakikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon. (JO CALIM)

47

Related posts

Leave a Comment