28 BAGONG CUSTOMS POLICE ITINALAGA SA BOC-NAIA

BAGONG CUSTOMS

Para paigtingin pa ang pagbabantay ng mga hangganan laban sa mga magtatangkang magpupuslit ng kargamento papasok sa bansa, itina­laga na rin ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 28 pang bagong Customs police sa naturang paliparan.

Pinangunahan ni NAIA District Collector Mimel M. Talusan ang isinagawang briefing sa mga bagong Customs police na nasa ilalim ng Enforcement and Security Services (ESS) bago itinalaga ang mga ito.

Nakasentro ang briefing sa profiling techniques  para sa kani-kanilang tungkulin sa ilalim ng mandatong nakapaloob sa BOC reforms ng BOC-NAIA  na bahagi pa rin ng 10-point priority program ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Ang 28 newly-hired Customs police ay isinailalim din sa advance marksmanship pistol trainings at tuluy-tuloy na border protection seminars.

Samantala pinangunahan din ni Talusan ang pakikipagkita sa  warehouse operators noong nakaraang Hunyo 17, 2019 upang pagandahin ang pagproseso ng negosyo kasama ang pagpapalakas ng warehouse clearance at maiwasan ang pagkaantala ng mga partners ng Customs NAIA.

Bukod kay Talusan kasama sa nakipagpulong ay sina Deputy Collector for Operations Michael Angelo Vargas at Atty. Marlon Aga­ceta, para sa  mga estratehiya  at tamang  pagtugon  sa kasalukuyang usapin sa mga kargamento.

Kabilang pa rin sa du­malo sa diyalogo ay ang mga kinatawan ng Cargohaus, DHL Express, ECCF, FedEx, Miascor, Philippine Airlines, Paircargo, Philippine Skylanders Inc., TMW at UPS-Delbros.

Patuloy ang pagsisikap ng Customs NAIA  na maisakatuparan ang mga hangad nilang reporma para sa mas maayos na serbisyo ng ahensya sa mga stakeholders at sa publiko sa kabuuan.   (Boy Anacta)

434

Related posts

Leave a Comment