28TH-YR ANNIV NG BOC-SUBIC, MATAGUMPAY NA IPINAGDIWANG

MATAGUMPAY na idinaos ang ika-28 taong Foun­ding Anniversary ng Bureau of Customs – Port of Subic BOC-Subic) sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease – 19 (COVID -19).

Sa pagdiriwang ng ani­bersaryo noong Hunyo 18, nagsagawa ng misa ng pasasalamat, sa paraang virtual, ang BOC-Subic.

Nagkaroon din ng donation drive sa Caritas Kindness Station of St.Columban Parish.

Naganap din ang paggawad ng mga plake at certificate bilang pagkilala sa “Top 20 Importers” ng unang kwarter ng 2021.

Nagpasalamat si BOC-Subic District Collector Maritess Martin sa lahat ng stakeholders para sa kanilang ‘di matatawarang suporta at kontribusyon sa nasabing daungan.

Kinilala rin ni Martin ang mga opisyal at kawani ng BOC-Subic, sa pamamagitan ng ganitong pahayag: “You all deserve a round of applause and commendation for all your laborious works and unconditional dedication. We have achieved tremendous growth all together. You’re creativity and enthusiasm can only be matched with unquenchable thirst for greater success”.

Binati at ipinaalala naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang magandang serbisyo at kahandaan ng BOC-Subic sa pagharap sa mga pagsubok na dulot ng COVID – 19. (Joel O. Amongo)

65

Related posts

Leave a Comment