2K SAKO NG SIBUYAS, NADALE SA BULACAN

0

MEYCAUAYAN, Bulacan – Hindi bababa sa 2,000 sako ng mga smuggled na red onions ang kinumpiska ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs sa ikinasang operasyon sa Barangay Bahay-Pare kamakailan.

Bukod sa mga sibuyas na pinaniniwalaang puslit mula sa bansang Tsina, tumambad din ang santambak na iladong pagkaing dagat, mga gamit sa bahay at mga cosmetic products na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Bitbit ang Letter of Authority na ipinalabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga operatiba mula sa Manila International Container Port (MICP) ang bodegang pag-aari ng Elite Globus Primeholdings Corporation.

Nakatakda namang isailalim sa condemnation proceedings ang mga nasabat na iladong pagkaing dagat at mga pekeng cosmetics products para naman sa isasagawang pagwasak ng mga kumpiskadong epektos.

Gayunpaman, mayroon pang 15 araw na palugit ang ibinigay ng BOC sa may-ari ng mga sibuyas at mga gamit sa bahay para maiprisinta ang mga kaukulang dokumentong patunay na legal itong ipinasok sa bansa bago pa man ito tuluyang angkinin ng estado.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment