44 WILDLIFE SPECIES NASABAT NG BOC-NAIA

MAYROON na namang accomplishment ang Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC – NAIA) – sa pagkakataong ito ay patungkol sa pagkakasabat nito ng ma­ling pagdedeklara ng 44 wildlife species.
Naganap ito sa Philpost Central Mail Exchange Center (CMEC) nitong Hunyo 30.
Ang mga nakumpiska ng BOC-NAIA ay 25 tarantulas, 12 spiderlings, 5 centipedes at 2 ornithoctonus black spiders.
Ang nasabing species ay may direct at indirect effect sa kalusugan ng tao, lalo na ang arthropods bite na sinasabing mapanganib sa tao.
Ang iba pang species ay nagdudulot naman ng matinding sakit ang kagat nito na posibleng humantong sa pagkamatay ng tao.
Ayon sa BOC, galing sa Thailand ang nakum­piska ng operatiba ng NAIA na naka-consign sa isang “Aldwin Capucae” ng Lungsod ng Pasay.
Ngunit, idineklarang “plastic teaching materials for university” ang nasabing mga hayop.
Ang kabiguan ng claimant na maiproseso sa loob ng reglementary period ay siyang naging dahilan ng pagkaka-abandona ng parcel na ang totoong laman pala ay ang 44 arthropods.
Tinatayang P500,000 ang halaga ng nasabing mga hayop.
Agad naman ipinasa ang mga ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa BOC-NAIA,  maghahain ito ng kaukulang kaso laban sa taong papadalan ng mga hayop dahil sa paglabag sa Republic Act 9147, mas kilala sa tawag na Wildlife Resources Conservation and
Protection Act, at Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), partikular sa Seksiyon 117 na may kaugnayan sa Seksiyon 1113 at 1400 at mga alintuntuning may kaugnayan sa nasabing isyu.
 (Joel O. Amongo)
39

Related posts

Leave a Comment