5 BOC PORTS SABLAY SA TARGET REVENUE

MULING nakapagtala ng labis pa sa target collection ang 12 sa 17 district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) para sa buwan ng Nobyembre.

Sa tala ng BOC, tanging ang mga Puerto sa Maynila, Cebu, Surigao, Cagayan de Oro at Aparri ang bigong makalikom ng sapat sa itinakdang target sa mga nasabing district collection offices.

Gayunpaman, napagtakpan naman ng mga palabis na koleksyon ng iba pang BOC district collection offices ang kapos na ganansyang pumasok sa mga nabanggit na puerto.

Kabilang sa mga nagtala ng labis sa kanilang target collection para sa buwan ng Nobyembre ang mga Ports of Batangas, Clark, Davao, Iloilo, Legazpi, Limay, Manila International Container Port (MICP), Ninoy Aquino International Airport (NAIA), San Fernando, Subic, Tacloban at Zamboanga.

Sa isang kalatas, naghayag ng kagalakan si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa patuloy na sigasig ng mga opisyal at kawani mula sa 12 puertong aniya’y malaking tulong sa isinusulong ng gobyernong pagpapasigla ng ekonomiyang isinadlak ng pandemya.

Aniya, malaking bahagi ng koleksyon ng kanilang ahensya ay mula sa taripa mula sa mga inangkat na kalakal at buwis para sa kabuuang halagang P58.8 bil­yon – katumbas ng 13.4% na
labis sa itinakdang target na P51.8 bilyon.

Batay sa datos ng kawanihan, lumalabas na P8 bilyon itong mas mataas kumpara sa pumasok na kita ng kawanihan para sa buwan ng Nobyembre ng nakalipas ng dalawang taon.

Mula Enero, nakalikom na ng hindi bababa sa P584.2 bilyon ang BOC, na ayon kay Guerrero ay bunga ng pinaigting na programa ng kawanihan sa kalakalan.

13

Related posts

Leave a Comment