5 DAKIP SA P6.3M YOSI SMUGGLING

0

LIMA katao ang arestado makaraang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-POD) ang mahigit P6.3-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong ipinuslit sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato.

Katuwang ang Philippine National Police (PNP), kinumpiska ng mga operatiba ng Subport of Dadiangas ang nasa 12,500 reams ng imported na sigarilyong lulan ng isang Isuzu Fuso Fighter truck, batay sa tip ng isang impormante.

Sa bisa ng isang warrant of seizure and detention, agad namang inilipat sa kustodiya ng Enforcement and Security Service (ESS) ang mga nasabing kalakal para sa imbentaryo at pagsasampa ng karampatang kaso sa mga nadakip, sa may-ari ng truck at sa kumpanyang nagpuslit ng mga naturang epektos.

Babala naman ni POD District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, hindi nila pahihintulutang magmistulang paraiso ng mga smugglers ang kanilang nasasakupang distrito.
(JO CALIM)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment