5 TSINO,1 PINOY INARESTO NG BOC, CIIS AT PCG

ARRESTED-17

Limang Chinese  na sangkot sa pagpuslit ng mga pekeng sigarilyo ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Bureau’s Action Team Against Smugglers, Philippine Coast Guard- Special Operation Group at Customs Examiners sa Valenzuela City noong Hun­yo 25, 2019.

Nakilala ang mga suspek na sina Kevin Tan, Alex Chan, James Sy, Tin Fu, isang alyas Tonyo at kasamang Pinoy na nakilalang si Michael Jamora.

Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng derogatory information na isang warehouse sa Valenzuela City ang sangkot sa pagpuslit ng pekeng sigaril­yo labels/packagings.

Ang pack labels at carton labels o kilala sa tawag na “hinge lid blanks” ay i­neksamin ng mga kinatawan mula sa PMFTC Inc. at dito nakumpirma na peke ang nasabing mga sigarilyo na  kung saan ginamit na characteristics ang original/genuine Fortune, Mark at Jackpot hinge lid blanks.

Dahil dito, inaresto ang limang Chinese at kinum­piska sa kanila ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng pekeng si­garilyo. (Jomar Operario)

94

Related posts

Leave a Comment