65 KASO INIHAIN VS. SMUGGLERS

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga smugglers na anila’y
Sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, umabot na sa 65 kasong kriminal ang inihain ng BOC Action Team Against Smugglers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga importers.

Sa 65 kasong isinampa sa piskalya, 49 ang pasok sa kategorya ng agri-smuggling, habang ang nalalabi naman ay hinggil sa pagpupuslit ng produktong petrolyo, sigarilyo, uka-ukay at iba pang kalakal.

Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, malaki na ang pinagbago ng kawanihan sa nakalipas na tatlong buwan sa tulong ng mga katuwang na ahensya sa kampanya laban sa malawakang smuggling at katiwalian sa naturang tanggapan ng pamahalaan.

“The Bureau of Customs remains steadfast in its commitment to safeguard our country’s borders and to protect our local industries from the harmful effects of smuggling, and we will not rest until we have put an end to this illegal activity,” aniya.

Katunayan ani Rubio, hindi barya ang katumbas na halaga ng mga nasamsam na kargamento, bukod pa sa dami ng mga isinampang kasong pahiwattig sa determinasyon ng BOC na wakasan ang pamamayagpag ng mga sindikato at mga kasabwat sa gobyerno.

“We will never tolerate illegal activities… we will remain vigilant in our efforts to combat smuggling, and we will not hesitate to take legal action against those who seek to violate our laws and jeopardize the welfare of our nation.”

171

Related posts

Leave a Comment